Bakit Tinatawag na Ginoo si Maria?

Sa panalangin na "Aba, Ginoong Maria", si Maria ay hindi kinikilala o itinuturing na "lalaki" bagkus, ito ay "pagkilala" lamang sa kaniyang katayuan bilang isang "banal".

Sa makalumang balarila, ang mag kalalakihan ay may mataas na pagkilala, maging sa Ingles, kapag hindi matukoy ang kasarian, ipinagpapalagay na lalaki ang isang "panggalan" (noun). Kahalintulad ng sa Filipino, o Tagalog, si Maria ay binibigyan ng pagbating panglalaki sa panalangin na ito.

Maging, sa isang panalangin na "Hail Holy Queen" kung isasalin sa Filipino, o Tagalog, ay nagbigay pagtawag kay Maria bilang Hari ng Awa, at hindi bilang "Reyna ng Awa"

Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Panalangin. Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo
ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggang sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,
pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli,
ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo,
na sa pagninilaynilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen
ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na hamimbawang nalalarawan doon,
kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin;
alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin;
na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay
at naghahari magpasawalang hanggan.
Siya nawa.
Amen.

Ang mga obispo sa Pilipinas ay may kakayahang magsalin nito sa mas modernong Filipino, Tagalog o kahit ano pang salin. Ngunit, tila ito ay mananatili, hanggat hindi nabibigyan ng atensyon ng kinauukulan.

Advertisements

  1. sino ang sumulat nto? katolik ba or eglisya

  2. nathaniel

    ewan koh bah

  3. Anonymous

    Si maria ay hindi banal tao lang siya at walang karapatan na sya ay dasalan tsaka sa mga katoliko bakit ninyo sinuway ang utos ng panginoon sinabi ng panginoon sa sampung kautusan na huwag gumawa ng kahit anong imahe ng mga tauhan sa kalangitan ngunit gumawa kayo hayy nako

  4. dj23

    paglilinaw po…hindi po namin dinadasalan si Maria dahil sa unang parte hindi naman po siya Diyos.. Iba po ang worship sa devotion…kasama namin si Maria sa pagdarasal sa Diyos..
    Stop criticizing our Church..You have your own belief and nourish it…We do not criticize your religion. You do not need to destroy our Church just to tell to yourself that your religion is the true Church…

  5. Lui B.

    Another answer from FilipiKnow:

    Believe it or not, there was a time when Filipinos used “Ginoo” as a title of respect, regardless of the person’s gender. This was how the word was used shortly after the Spanish colonizers arrived in the Philippines up until the 19th century.

    Therefore, it should come as no surprise that when the Spaniards translated “Dios Te Salve Maria” into the native language, “Ginoo” was used to honor Mary as the mother of the Savior Jesus Christ. It was only in the 1900’s when the word “Ginang,” now the female counterpart of “Ginoo,” first appeared in the dictionary.

    Source: http://www.filipiknow.net/11-serious-answers-mind-blowing-pinoy-questions/

  6. roel

    Para Sa iyo Anonymous, Wag mong basta lamang TAO si Mama Mary, dahil kong husgahan kita masasabi kong kong wala kang puso na naging anak ka ng Nanay mo dahil sa Salitang Ina dapat lahat tayo ay may Paggalang ano pa kaya sa Ina sya ng ating Panginoong Hesus na sya ring kinikilala ng inyong pananampalatayan wag puro utak o talino ang gamitin mo mas mabuti ang dikta ng PUSO sa lahat ng bagay, at baka pagpikit ng iyong mga mata ay makita mo si Mama Mary at tanungin ka bakit mo sya tinawag na “TAO LANG” ano kaya ang maisagot mo o kaya ang Panginoong Hesus ang magtanong sayo na bakit mo tinawag na “TAO LANG ang Kanyang INA” sige nga tanungin mo sarili mo at mga kasamahan mong bagbabatikos palagi sa aming mga Katoliko, Respetuhan tayo ng Pananampalataya dahil tayo mismo ang gagawa sa sarili natin kong paano tayo Maliligtas pagnamatay na tayo wag kayong masyadong matatalino bah…God Bless po.

  7. Jhe

    Magsaliksik po muna ang mga hindi naniniwala. Ang dami pong website na makikita sa internet at kapag hindi nyo pa rin po pinaniwalaan eh maihahalintulad kayo sa mga saserdote, pariseo o matatanda ng bayan noong panahong iyon mga mapagimbabaw. Hindi kami ang mga anti-Kristo magsaliksik muna kayo.Doon naman sa mga nagsipagtaksik at tumalikod para kayong si Judas Escariote

  8. Bakit yung ibang Founder ng Sulpot na Sekta, Sinasamba din naman nila Founder nila.. 🙂 nakasulat na mismo sa Babasahin ng Simbahan nila..

  9. bakit kailangang bigyan sya ng titulong panglalaki gayong alam naman at tukoy na isa syang babae? hindi ba’t itoy isang malaking kahangalan? Walang binabanggit sa bibliya na si Mary ay hari ng awa. Kung meron man, suportahan nyo ito ng mga verses na galing sa Bible. Ang katangiang ito ay katangian lamang ng Dios. Ang panalangin kay maria ay isang katha lamang ng tao na ang layuni ay iligaw tayo sa ating pananampalataya kay Hesus. Hindi ba’t mismong si Hesus ang nagsasabi na Sya ang Daan, ang katotohanan at ang buhay at walang makakarating sa ama kundi sa pamamagitan Nya. So, bakit ka mananalangin sa kanya gayong ang Panginoon lamang ang source of life. Matanong ko nga kayo, ilan ba ang Dios? syempre sagot nyo ay isa. so bakit ka magdadasal sa hindi Dios?

  10. Reuel

    reuel,
    Lucas 1:46 At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,
    47At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.
    Ayon po sa talatang ito kinilala ni Maria na siya ay nangangailangan ng Tagapagligtas.Si Maria ay katulad din natin na may lahing kasalanan na nangangailangan ng kaligtasan. Mali din na sabihin ang Immaculate conception na ibig sabihin na si Maria ay free from the original sin. Kaya nga wala tayong talata sa Biblia na nagsasabing manalangin sa kanya lalo na na sabihin sa panalangin at tawagin siyang ina ng Dios. Wala pong talata ni isa sa Bilia na si Maria ay walang original sin. Wala pong talata ni isa sa Bilia na siya ay ina ng Diyos. Bagkus siya ay ina ni Hesus dahil ang Hesus ay human name.
    Huwag natin sambahin si Maria o bigyan ng debosyon dahil siya ay katulad din natin na makasalanan at nangangailangan ng Tagapagligtas.

    Slamat po sa inyong lahat na bumasa ng isinulat ko.




Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: